Friday, August 20, 2010

Sanglaan

Watch Sanglaan Movie Online
watch pinoy indie films

Si Amy (Ina Feleo) ay nagtatrabaho sa isang sanglaan na pagmamay-ari ng kanyang tiyahin na si Olivia (Tessie Tomas), ang nagpalaki sa kanya matapos sumakibalang-buhay ang kanyang mga magulang noong bata pa siya.

Bagama’t nalulugi na ang sanglaan ay hindi ito magawang ipasara ng kanyang Tiya Olivia bilang paggalang sa alaala ng yumao nitong asawa kahit pa ang mga anak nito ay nais na siyang ipetisyon sa Amerika.

Sa sanglaan at sa kanyang Tiya Olivia umiikot ang buhay ni Amy at kahit siya’y halos tatlumpung-taon gulang na’y hindi siya halos nakakapamasyal mag-isa at hindi pa rin nagkakaron ng nobyo.

Hanggang sa makilala at mabibighani siya sa bagong boarder sa itaas ng sanglaan na si David (Joem Bascon), isang seaman na nag-aabang ng magandang kapalaran patungong ibang bayan.

Dito magsisimulang magsubok si Amy na buksan ang sarili sa maraming posibilidad ng buhay sa labas ng apat na sulok ng sanglaan.

0 comments:

Post a Comment